Thursday, 21 July 2011

Ang Buhay ay Parang Sine

May ilang pagkakataon sa buhay ko na napag isipan kong i-consider maging isang script writer para sa TV o pelikula. Naalala ko 'to dahil sa mga nakaraang araw, naihalintulad ko ang buhay ko sa mga palabas sa sine, at ngayon nakaisip na naman ako ng pamatay na linya (well, at least para sakin)

"Nasanay na kong wala ka e... bakit ba bumalik ka pa?" 

Naiimagine ko si John Lloyd ang nagsasabi with a tremble in his voice na pinapahiwatig ang magkahalong ligaya at pighati niya sa di inaasahang pagbalik sa buhay niya ng dati niyang kapuso played by Bea Alonzo. (Sila pa ba ang love team? outdated na ko. Expired na ata ang pagiging jologs ko).

Sa tingin ko, kung gagawing pelikula ang life story ko, marami akong pwedeng mai-insert na pamatay na linyang hindi mo makakalimutan, tulad ng "you had me at my best, she had me at my worst... you had a choice, and you chose to break my heart". 

Hindi pa naman tapos ang script ng buhay ko. Pero naisip ko to: sa pag-uungkat ng bida at ng isa pang karakter ng pelikula ng kanilang nakaraan, sabi ng bida 

"siguro naman sa ngayon kilala mo na 'ko. Alam mo na halos lahat ng bagay na nangyari... hanggang sa mga detalye, naalala ko naman. Pero umabot na ko sa punto na (pause) may mga bagay na lang talaga na gusto ko na lang (pause) kalimutan..."

Ganito kasi, may pagka shunga ang bida. May mga bagay na dapat tinalikuran na niya maaga pa lang, ngunit dahil nga shunga siya, pagdating sa dulo e siya rin ang naghukay ng sarili niyang libingan. Maiyak man siya, nararamdaman niya ang lungkot dahil sa katotohanang may mga maari siyang nagawa pero ngayon ay huli na ang lahat. (chos)

Pero at some point, kelangan ng parte kung saan magigising siya sa katotohanan, matatanggap ang mga bagay na hindi niya pwedeng baguhin, para magkaron ng espasyo sa buhay niya sa pagdating ng taong tunay talagang magmamahal sa kanya. 

Siguro kung pelikula ang buhay ko, mahirap maghanap ng aktres na number 1, willing to gain weight to be true to the character, number 2 kayang dramathon at comedy at the same time, mala agua-benditang good-girl-with-an-evil-streak, and number 3, telegenic. Haha!

Kung pelikula ang buhay ko, ano kaya ang kalalabasan ng kwento? Excited na ko. Panoorin niyo ha.